RHIAN’S WEBLOG

January 20, 2008

Filed under: Tabloid Articles — rhianarticles @ 9:29 pm

PILIPINO STAR NGAYON
January 20, 2008

Si Dingdong Dantes ang ini-expect naming pipirma ng exclusive contract sa GMA Films noong January 16, pero si Rhian Ramos ang aming naabutan. Sa pagtatanung-tanong, nalaman naming nagkaproblema sa kampo ng actor, dahil may mga nire-request ito at para ‘di masayang ang oras, ang young actress na ang inunang papirmahin ng kontrata.

Ang hindi pa namin natatanong ay kung muling mag-o-offer ng movie contract ang GMA Films sa actor o hindi na? Sayang kung mabubulilyaso ang plano nina Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan kay Dingdong, dahil lang sa mga request na hindi agad maibibigay. Naibalita pa naman ng actor na gagawa siya ng pelikula kasama sina Marian Rivera at Iza Calzado to be directed by a very good TV and movie director.

Tinawanan na lang ni Rhian Ramos ang patuloy na pagli-link ng kanyang kapatid kay Mark Herras. Weird daw ang pagli-link sa dalawa na never pang nagkikita at hindi magkakilala. Ayaw pa ngang mani­wala ng ate Nadin niya sa tsikang siya ang bagong nililigawan ni Mark, kundi pa niya binuksan ang computer at ipabasa ang mga nasusulat sa kanilang dalawa.

Sabi naman ng mommy ni Rhian, sana siya na lang ang siraan at ‘wag nang isali si Nadin na hindi naman artista. Naaawa raw siya rito, pero walang magawa’t hindi alam kung sino ang nasa likod nang panibagong intriga sa kanyang pamilya.

Samantala, tuwang-tuwa si Rhian sa nalamang sa two movies na gagawin niya sa GMA Films, isa rito’y ang pagtatambalan nila ni Robin Padilla. Gusto niyang i-try ang action at matutupad ito sa project nila ng action star.

Filed under: Tabloid Articles — rhianarticles @ 9:25 pm

PILIPINO STAR NGAYON
By: Ronnie Carrasco
January 21, 2008

Ang ibinoto kong si Rhian as may hands-down choice to play Darna ay sa Dyesebel na. Hindi man siya magso-soar to greater heights via the role, this cannot be said of her career status.

For me, sa hanay ng mga GMA artists, Rhian is out to give them a run for their money. She reminds me of Nanette Medved, articulate and sensible.

Rhian Ramos, sirenang walang dibdib

Filed under: Tabloid Articles — rhianarticles @ 6:38 pm

ABANTE
By: Rey Pumaloy
January 20, 2008

Hindi ikinahihiya ni Rhian Ramos na flat ang kanyang dibdib, o wala siyang malaking umbok sa kanyang harap.

Sabi ni Rhian, proud nga siya na flat chested siya.

Sa party nga ng GMA Artist Center para sa entertainment press, pinansin ng mga manunulat ang walang kaumbok-umbok na dibdib ni Rhian. At parang hindi man lang na-offend si Rhian, ha!

Sabi ng mga manunulat, imposible ring maibigay kay Rhian ang mga papel na Darna at Dyesebel, dahil wala siyang boobs.

Ang huling nag-Darna nga na si Angel Locsin ay seksing-seksi at busog na busog ang dibdib.

At ang mga lumabas nga na Dyesebel sa pelikula ay puro nagtataglay rin ng malalaking dibdib.

So, paano nga raw magbibida sa Darna at Dyesebel si Rhian, eh, wala siyang dibdib.

Baka raw mahulog pa ang costume na Darna kapag isinuot ni Rhian, dahil flat nga ang kanyang dibdib at wala itong makakapitan.

Pero, sa halip na mabuwisit, tinawanan pa ni Rhian ang mga sinasabi sa kanya ng entertainment press tungkol sa kanyang manipis na boobs.

“Okey lang! Flat chested talaga ako! Totoo naman `yon! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi pa ni Rhian.

Aba, magandang attitude nga ito, na sa halip na mapikon ka, tanggapin mo na lang kung ano ang meron ka o kung ano ang ibinibigay sa iyo ng Diyos.

“Pero noong bagets pa ako, medyo conscious talaga ako sa pagiging flat chested ko. Pero, wala naman akong magagawa, kaya tinanggap ko na talaga na hanggang ganito na lang ilalaki ng dibdib ko.

“Anyway, hindi naman kawalan sa akin kung maging flat chested man ako,” pahayag pa ni Rhian.

May mga nagpapayo kay Rhian na kapag dumating siya sa tamang edad ay iparetoke niya ang kanyang dibdib. Pero sabi ni Rhian, hindi raw niya pinangarap na sumailalim sa pagiging “salamat po doctor” o breast augmentation.

“Hindi sa naiinis ako, or nilalait ko `yung mga nagpagawa ng ganu`n, pero para sa akin, hindi ko talaga kaya.

“Actually, I admire them, `yung mga nagpa-breast augmentation. Malalakas kasi talaga ang loob nila.

Pero ako, talagang kuntento na ako sa dibdib ko. Hindi talaga ako magpapa-enhance ng dibdib ko,” sambit pa ni rin Rhian.

Teka, may mga balita na sigurado na raw na isa kina Darna at Dyesebel ang magiging role mo?

“Actually, palagi akong tinatanong tungkol sa Darna at Dyesebel, kung ako na raw ba ang gaganap. Pero, wala akong maibibigay na sure answer, kasi wala namang sinasabi ang GMA 7 sa akin.

“For sure naman, kung sino ang mapipili nila, kung ako man `yon o ibang artist ng GMA, siguradong babagay sa kanya `yung role, dahil pinag-isipan naman ng GMA `yon, eh.

“At suwerte talaga kung sino ang mapipili na Darna at Dyesebel, dahil it’s a big project talaga.

“Siguro, hintayin na lang natin kung ano ang desisyon ng GMA.”
Pero kung si Rhian ang masusunod, mas type niya na maging Dyesebel, dahil bata pa lang siya ay iniisip na niya ang maging sirena.
“Wala akong karapatang pumili. Ang network lang ang may karapatang pumili kung sino ang gusto nila.

“Pero sabi niyo nga, kung ako ang masusunod at dahil bawal sa akin ang magsuot ng harness, dahil sa problema sa likod ko, okey lang sa akin ang mag-swimming, dahil maganda ‘yon sa likod ko, Dyesebel talaga ang type ko.

“At saka, sabi niyo nga, hindi naman bagay sa akin ang Darna, dahil flat ang dibdib ko. So, Dyesebel na lang,” masayang sabi ni Rhian.

Teka, handa ba siyang mag-topless sa Dyesebel? Puwede ba niyang ipakita ang kanyang flat na dibdib?

“Well, may ibang paraan naman para gawin `yon. Since, ang kini-cater naman ng character na Dyesebel ay mga bata, siyempre hindi papayagan ng GMA 7 na may lumabas na ganu`n.”

January 15, 2008

Filed under: Tabloid Articles — rhianarticles @ 9:30 pm

PILIPINO STAR NGAYON
By: Nitz Mirrales
January 15, 2008

Hindi pa man nag-aartista, sikat na ang sister ni Rhian Ramos na si Nadine Howell, dahil nali-link kay Mark Herras. Kahit sinabi na ng young actress na never pang nag-meet ang kapatid at kapareha sa My Only Love, dahil anti-showbiz ito, may mga ayaw maniwala.

Nag-deny na rin si Mark tungkol kay Nadine at hindi nga raw niya ito kilala at hindi pa siya nakakarating sa Bin-Won restaurant sa BF Homes na kinakitaan sa kanila. Heto’t may bago na namang in-email sa amin si Jezza Tamano at kinontra ang pagdi-deny nina Mark at Rhian.

Ayon sa e-mail ni Jezza, paanong ‘di magkakilala sina Mark at Nadine, eh, kasabay nila itong kumain sa isang Thai resto sa Greenbelt 2 noong December 18. Kasama raw ng dalawa that time si Rhian at isang semi-kalbo guy na Sam ang narinig nilang tawag ng grupo.

In fairness, hindi raw sweet sina Mark at Nadine at nag-uusap lang kung kailangan. Busy daw ang actor sa pagti-text, pero magkakilala pa rin sila. Hintayin natin ang sagot nina Mark at Rhian sa pani­bagong tsikang ito.

January 7, 2008

Rhian papalit kay Ara sa GMA

Filed under: Tabloid Articles — rhianarticles @ 6:38 pm

PILIPINO STAR NGAYON
By: Nitz Miralles
December 09, 2007

Si Rhian Ramos ang nabalitang ipapalit kay Ara Mina sa Bubble Gang, pero nang tanungin namin ang young actress, wala pa raw nagsasabi sa kanya tungkol dito. Sa follow-up question namin kung papayag siyang isama sa show, positive ang sagot nito.

“Why not? It’s one of my favorite shows at matagal ko nang gustong mag-guest doon. Medyo naging busy lang at ‘di natutuloy. Matutuwa ako kung maging miyembro ako ng pamilya ng Bubble Gang,” sabi nito.

Nai-imagine namin ang magiging reaction ng anti-Rhian fans ‘pag totoo ito at tiyak na ‘di na naman nila titigilan ang young actress. Sasabihin nilang kaya siya ang ipapalit kay Ara dahil tita niya ang head ng GMA Artist Center at ang koneksyong ito rin daw ang rason kung bakit siya ang ipinareha kay Mark Herras sa My Only Love.

Samantala, on leave lang daw si Ara sa Bubble Gang at habang nasa Prinsesa ng Banyera ito’y, hindi muna siya mapapanood sa gag show. Pero, welcome pa rin itong bumalik sa Bubble Gang ‘pag tapos na ang PNB.

December 27, 2007

Studs member JC Cuadrado calls Rhian Ramos “beautiful flirt”

Filed under: PEP Articles — rhianarticles @ 8:47 pm

PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL
By: Julie Bonifacio
December 27, 2007

Sold-out ang calendar ng all-male celebrity group na Studs sa first solo show nila sa Zirkoh Timog kagabi, December 26. Maging ang young actress na si Rhian Ramos ay nagulat sa napakaseksing pose ng Studs na kinabibilangan nina Mike Tan, JC Cuadrado, Dion Ignacio, Felix Roco, Edgar Allan Guzman, Lance Oñate, Coco Martin, at ang nagpaalam na rin kagabi sa grupo na si Kevin Santos.

“Na-shock ako!” bungad ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dalawin namin siya sa set ng My Only Love. “Kasi nakita ko yung mga kaibigan ko, bigla na lang ganun. E, kapag nakikita ko sila, mga nakaporma.”

Kanino siya na-shock in particular?

“Kay Mike Tan, kasi kita puwet!” bulalas niya.

What about yung pose ni JC Cuadrado?

“Ayos lang, because they’re all…lahat naman sila same,” sagot ni Rhian.

Sino naman ang pinaka-nagustuhan niya sa calendar?

“Si Felix, kasi siya yung pinaka-dressed sa lahat, decent. Parang very clean.”

Ano naman ang reaksiyon ni Rhian sa sinabi diumano ni JC that she’s a “beautiful flirt,” ayon sa kaibigan nito at Pinoy Big Brother Season 2 ex-housemate na si Zeke Dimaguila?

“Dahil hindi naman ako ang nakarinig, so far it’s too early to react. Siguro kung sinabi niya ‘yon, siya talaga ang nagsabi, ‘tapos sa mukha ko, e, di parang, ‘Teka lang, ano ang ibig mong sabihin?'” pahayag ng dalaga.

Masasampal ba niya si JC kung siya mismo ang nakarinig sa sinabi ng Studs member?

“Ay, hindi naman. It depends naman kung ano ang ibig niyang sabihin by that,” sabi ni Rhian.

Kung sakaling sinabi nga ‘yon ni JC, mao-offend ba siya?

“Hindi ko alam kung negative ang connotation, so I’ll have to ask him pa about that siguro to have an opinion about it. Pero yun nga, minsan, kunwari for me, if I call, ‘Hey, ikaw talaga, you’re crazy.’ Parang hindi mo naman masasabing bad ‘yon, hindi mo rin masasabing good ‘yon. Parang wala, no comment. So, siguro I’ll have to ask him pa about it, what he means by it bago ako mag-react,” ani Rhian.

Sa palagay niya, bakit nasabi ‘yon ni JC sa kanya? Nagkaroon ba sila ng relasyon?

Bago sumagot ay biglang tumawa si Rhian. “Wala! Sorry, ha. Hindi pa kami masyadong close. Nagkasama lang kami nung nag-tour ang Ouija at sumama yung Studs sa mall show. E, at the time naman, nagtatrabaho na rin kaya hindi ko sila masyadong naka-bond,” paliwanag niya,

Dagdag pa ni Rhian, “Siya na yung tanungin natin bakit niya ‘yon sinabi.”

Just in case, may gusto ba siyang iparating kay JC?

“Good luck sa career. Bibili ako ng calendar ninyo. And puwedeng beautiful na lang, huwag na flirt? Puwede beautiful na cute?” natatawa niyang pahayag.

What about Zeke? Nagkakilala na ba sila?

“I can’t say we’ve met and most of the people I meet, puro [taga-] Channel 7,” sagot niya.

Kung si JC ay sinabing beautiful flirt siya, si Zeke naman ay pinili si Rhian bilang isa sa tatlong babae sa showbiz na gusto niyang maka-one night stand. Ano ang reaksiyon ni Rhian dito?

Feuds in 2007

Filed under: Broadsheet Articles — rhianarticles @ 8:44 pm

MALAYA
By: Mario Bautista
December 27, 2007

Another “fighting” star is Alessandra de Rossi. She got jealous with Jennylyn Mercado when she was still with Jeremy Marquez and had a rift with her. At the taping of the new show “Luv Pow” (that was not aired), she was exchanging jokes with the cast and crew but when Rhian Ramos made a joke with her, she got annoyed and threw down her cellphone. Some folks tried to patch things up with them but she refused to be on friendlier terms with Rhian.

December 25, 2007

Direk Topel Lee replaces Louie Ignacio sa “My Only Love”

Filed under: Tabloid Articles — rhianarticles @ 8:56 pm

PEOPLE’S TALIBA
By: Dinno Erece
December 25, 2007

Dahil hindi kami nakapupunta sa set ng Sine Novela nina Mark Herras, Rhian Ramos, Bianca King and Alfred Vargas, nagulat kami nang pinapatanong ng isang kasamahan namin sa panulat ang dahilan kung bakit wala na si Direk Louie sa said Drama Ra-ma Sa Hapon show after Pasan Ko ang Daigdig.

We went to the EP of the show na si Camille Gomba about this at nagulat din kami sa sagot, old news na raw ito.

Matagal na palang nagpa-alam muna si Direk Louie sa My Only Love dahil tuwing Kapaskuhan, most in demand ang director to meg special shows. This doesn’t mean na hindi na siya babalik sa soap kahit si Direk To-pel muna ang nagdi-direk nito dahil sa Christmas party raw ng show na hindi rin ka-mi nasabihan, so hindi kami nakapunta, nandoon si Direk Louie to ham and jam it up. So, walang problema okey NM?

December 24, 2007

Rhian Ramos spends Christmas with dad in Thailand

Filed under: PEP Articles — rhianarticles @ 9:51 am

Philippine Entertainment Portal
By: Eric Borromeo
December 24, 2007

Sa Thailand magpa-Pasko si Rhian Ramos. Gusto ng young actress na i-celebrate ang Christmas kasama ang kanyang father na naka-base roon. First time niyang hindi kasama ang ina, pero excited pa rin ang My Only Love star to spend time with her dad.

“Two days lang naman siguro ako do’n, kasi, I need to be back to resume yung taping namin ng My Only Love on the 28th,” ang pahayag ni Rhian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng naturang sineserye last Friday, ika-21 ng Disyembre. “I don’t think they celebrate Christmas sa Thailand like here, pero may Christmas sale doon!”

Biniro namin si Rhian na baka kasama niya rin doon ang kanyang special someone.

“Wala!” natatawang sagot nito. “It would be a time for my dad’s family lang.”

The topic then switched sa working relationship niya with Mark Herras.

“Sobrang saya,” ang mabilis niyang sagot. “Masaya at makulit na kasama si Mark. Doon sila nagkamali…casting the two of us, na parehong maharot. Pero everything’s going smoothly naman.”

Balita rin na she is being considered to play the lead role in the TV remake of Dyesebel, ano naman ang masasabi niya rito?

“I can’t say anything about it, eh. Kung meron, thank you. Besides, ako yata ang hindi pinaka-seksi na Dyesebel,” sabi ni Rhian referring to her being flat-chested.

Nang tanungin naman siya tungkol sa hindi pa rin tumitigil na nagpapakalat ng hate e-mail about her at kung naapektuhan pa rin siya, ang sabi niya, “Hindi na.”

“Kaya nga I am so thankful to all the press people na hindi na pinapatulan ‘yon. We checked the e-mail addresses of these people sa myspace, friendster…but they do not exist. Wala kahit isa, so fictitious lahat ‘yon. Even those who claim na ex-schoolmates ko sila, it’s not true,” huling pahayag ni Rhian.

December 22, 2007

Rhian, inuulan ng mapanirang E-mails

Filed under: Tabloid Articles — rhianarticles @ 9:47 am

People’s Taliba
By: Ed Serrano
December 22, 2007

ALAM n’yo bang halos sa buong panahon ng ating pagkakaratay, inulan ang ating computer ng tila isang milyong e-mail na halos iisa ang paksa — pagtuligsa, paninira, at talagang mga below the belt unprintables laban sa pamangkin ni Ida Henares na si Rhian Ramos.

Nabanggit natin ito sa ating anak na connected sa GMA-7, ang tanong niya ay tumataginting na: “Bakit? Ano ang kasalanan ni Rhian sa kanila? Ang alam namin eh, she’s trying to prove her worth as an actress. May karapatan din siya sa privacy kahit na artista na siya. Huwag sana nating tanggalin sa kanya iyon.”

Ang atin pong anak ay under ng News and Public Affairs, at walang kaugnayan sa production. Itinanong din natin kung kilala niyang personal si Rhian, hindi raw. Kaya masasabi nating hindi bias ang kanyang comment.

Sayang nga lang at hindi tayo makasulat noon da-hil sandali lang tayo sa computer ay hilo at sakit ng ulo ang inaabot natin. Salamat din sa mga nagta-nong kung bakit nawawala raw ang mga sulatin natin sa People’s Tonight at dito sa ating Taliba Sukiyaki co-lumn.

Noon lang natin nalaman na sa sandaling panahon pala ay nagkaroon na tayo ng following.

Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Asahan n’yong sa ating kaliitan ay pipilitin po nating mabigyan ng katarungan ang inyong pananalig sa Journal Group.

Next Page »

Create a free website or blog at WordPress.com.

Create your own website, free on WordPress.com.Create your own website.
Start free